₱38M DepEd Bldg. Sinimulan
Sinimulan nang itayo ang ₱38 milyon gusali ng Department of Education (DepEd) sa Paaralang Elementarya ng Acacia kamakailan.
Pinaglaanan ng National Government ang apat na palapag na gusali na pakikinabangan ng mahigit isanlibong mag-aaral.
Ang nasabing gusali ay may 12 silid-aralan na proyekto ng Kagawaran ng Edukasyon sa ilalim ng construction ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na inaasahang matatapos sa kalagitnaan ng taon.
Inaasahan ni Gng. Rosalia T. Vargas, punong-guro ng paaralan na matatapos agad ang nasabing gusali upang mayroong magamit sa susunod na pasukan ang mga guro at mag-aaral.
Lubos naman ang kasiyahan ng mga magulang at mag-aaral dahil mayroon na silang bagong silid-aralan na gagamitin.
Sa kasalukuyan pansamantalang hinati ang mga kuwarto ng DepEd building upang mayroong magamit ang mga mag-aaral sa Baitang 1 hanggang 4.
Naglagay ng mga harang ang mga manggagawa sa ginagawang gusali upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral habang patuloy ang pagtatayo nito. Pinayuhan rin ng mga guro ang mga bata na iwasang magpunta sa lugar na pinaggagawaan.
Tuloy-tuloy rin ang mahigpit na pagbabantay ng mga guro, mga magulang at maging ng mga staff ng paaralan.
Samantala, hindi pa matiyak kung hanggang kailan ang paghahati ng mga silid sapagkat nakaantabay naman ang planong paggiba ng Sandoval Building sa susunod na taon para sa panibagong gusali.
Ni: Earl Nathan B. Agocoy